Sunday, October 8, 2017

October 2017

Konti na lang sana, isang taon na.
Konti pang hintay at babalik ka na.
At ang kalungkutan ay tiyak na hihimlay.

Pero sa kabila ng distansya nanamlay ang linya,
nakalimutan mo yatang ako'y isama sa puso mo't gunita.
Iniwan mo kong nalulunod sa dagat ng kalungkutan.
Hinayaan mong puso'y tuluyang manghina.

Akala ko dati walang hanggan,
pero ung walang hanggan e hanggang dito lang pala. 
Akala ko pa naman tayo na talaga.
Akala ko lang pala.